• 13th November
    2011
  • 13
“At some point, one of you stops putting the effort. The littlest things such as cute text messages aren’t so “cute” anymore or you both go for hours without talking to each other like you both used to. You stop caring less and you stop impressing one another. The beginning is always blissful and exciting but everything just…. stops sooner or later.”
- It’s a sad thing, but it’s totally true :(

“At some point, one of you stops putting the effort. The littlest things such as cute text messages aren’t so “cute” anymore or you both go for hours without talking to each other like you both used to. You stop caring less and you stop impressing one another. The beginning is always blissful and exciting but everything just…. stops sooner or later.”

- It’s a sad thing, but it’s totally true :(

  • 18th August
    2011
  • 18
  • 10th January
    2011
  • 10
  • 9th January
    2011
  • 09

ang galing mong magbigay ng advice sa iba, pero kapag sarili mo na ang involve, hindi mo na maiapply yung inaadvice mo at kailangan mo pang humingi ng advice sa iba kahit alam mo naman ang sasabihin nila. gusto mo lang kasi ito marinig sa iba.

well. that phrase applies for me too. at first it may sound stupid; na hindi mo magawa yung mga inaadvice mo. pero ngayon ko lang narealize na parang hindi naman yun stupid. mahirap lang talagang sundin kasi ayaw nating maniwala sa realidad na nakaharap sa atin. gumagawa tayo ng paraan para talikuran at humanap ng ‘alternative routes’ na sa tingin natin hindi tayo masyadong masasaktan. 

reality bites. reality hurts. 

pero siguro may dahilan naman si God kaya ito nangyayari sa atin. Mahirap man, pero kailangan lang natin lakasan ang ating loob at maniwala sa Kanya :)

I wrote this because i saw another relationship-related question on my formspring account. idk why, pero i feel happy to give advices to other people. and i hope na kahit papaano nakakatulong ako sa taong iyon. 

when i was still in 4th year, i really considered psychology as my course because of this. i want to know more about people. why people react like that and other stuffs. parang ang sarap kasi ng feeling kapag ganun.

pero eto, kinuha ko pa rin yung course na matagal ko ng gusto (w/c is not psychology) pero hindi ko naman pinagsisisihan yung choice ko. :)

hahaha. pansin ko lang ha, ang daldal ko today.

again, peace out guys and dolls.

xoxo, L.

  • 9th January
    2011
  • 09

BOYS AND THE DANGER THEY POSE TO GIRLS

I am in a state of </3 today so i am writing this. and para ma-express ko ang aking sarili, i will be writing this down in tagalog. so i’m really really sorry sa mga hindi makakaintindi.

  • Boys at ang walang sawa nilang pagtingin sa mga babae.
    …lalo na kapag may girlfriend na sila. nasa nature ba talaga ng mga lalaki ang mambabae/tumingin/checkout or whatever term you like sa mga babaeng nakakapukaw ng pansin nila? Hindi pa ba sapat ang gf mo para sustentuhan yang pangangailangan mo? Kung hindi, eh bakit di ka na lang makipagbreak sa kanya at lumangoy sa pond na punong puno DAW ng mga fish na pwede mong mabiktima? Bakit yung girlfriend mo pa na walang ka malay-malay minsan at buong tapang na pinipilit maging loyal sayo ang gaganyanin mo? 
    Ingat lang boy, baka may sirang isda kang makuha. pero sabagay, you two deserve each other.
  • Boys at ang facebook.
    boys, irespeto nyo naman mga babae sa facebook. wag kayong pick-up ng pick-up kung saan saan ng mga friend. maganda lang profile pic, add request na. aba! ano to,  search for ms profile picture? di mo kilala kung umasta ka, kilalang kilala mo. at eto pa ha, boys, please lang, wag nyo gawing secret place nyo ang facebook. na doon lang kayo mambababae para hindi halata. dahil malakas ang pakiramdam namin, alam namin kung pinaglilihiman kami o hindi. kaya ingat lang.
  • Boys at ang takot DAW nilang iwanan sila.
    ows? talaga? takot kayong maiwan? eh bakit gumagawa kayo ng mga kabalahuraan at nagpapakita kayo ng motibong iwan kayo. tapos kapag iniwan kayo: “siya kasi eh. she doesn’t understand me.”; “wala naman akong ginawa, selos sya ng selos.” 
    leche, magseselos ba kami kung ndi kayo nagpapakita ng motibo? matuto kasi kayong maging LOYAL at FAITHFUL para wag kayong iwan!
  • Boys at ang loyalty and faithfulness daw nila.
    dictionary check. paki check nyo muna sa dictionary nyo kung anong ibig sabihin ng faithful at loyal bago nyo sabihin ang mga katagang yan ha. dahil gasgas na kalye yan. Differentiate a normal conversation to the opposite sex from flirting with the opposite sex. PLEASE LANG. PAKI DEFINE. kasi sa iba, hindi nila alam yan. akala nyo okay lang, lalo na sa mga girlfriends dyan, syempre nagseselos kami, pero depende yun sa kung sino kinakausap nyo. trust me, babae kami kaya alam namin kung may mutibo ding makipagflirt or makipagmabutihan ang isang sulutera nagpapanggap na kaibigan lamang. at kung ayaw nyong maniwala, isa lang ibig sabihin nyan. ENJOY na ENJOY kayo! at hindi loyalty at faithfulness ang tawag dun chong. 
  • Boys at ang kanilang matatamis na pangako.
    totoo pala talaga ang best foot forward no? na kapag nanliligaw gagawin ang lahat makuha ka lang. at pag nakuha ka na, boom, you’re just one of their girls.

    ewan ko ha, pero may narinig ako sa radyo na kapag nanliligaw daw, dapat boys ang nageeffort. tapos kapag kayo na, girls naman daw mageeffort?!
    eto lang masasabi ko:

    UL*L! ilang buwan, minsan nga araw or linggo, nyo lang kami sinuyo tapos all through out the time, kami na mag-eeffort? EXCUSE ME! pero hindi kami pinalaki, nag-aral at kung anu-ano pa, para lang suyuin kayo. ang isang relasyon ay may 2 tao. dalawa ha! hindi tatlo!  at yung dalawang taong iyon, dapat nagkakaintindihan. nag-sSHARE! magsuyuan kayo! imaintain nyo ang relationship nyo. kaya kung may pinagdadaanan ang isa sa inyo, maki simpatya ka. wag mo sya pabayaan! hindi yung babae lang ang umeeffort. kung ayaw mong umeffort, maki-relasyon ka na lang sa sarili mo. my goodness.
  • Boys at kung gaano sila kadense.
    boys, kapag pinagseselos kayo ng babae, magselos naman kayo! hindi yung puro “okay lang.” kayo ng “okay lang.” kasi kami? HINDI OKAY! nagmumukhang kasi kaming tanga kapag nagseselos kami tapos kapag kayo pinagseselos ayaw nyo magselos. PERO WAG NAMAN SOBRA HA. uulitin ko, WAG NAMAN KAYO OA MAGSELOS. hindi kasi namin alam kung swerte ba kami na hindi kayo nagseselos o malas kasi you don’t even care about us. yes, tama yan. we feel less cared kasi ndi kayo nagseselos. na kahit kung sino-sino ng lalaki ang nakikipagflirt sa amin, ayaw nyo pa din magselos. 
  • Boys at ang denial ability nila.
    oh yes! huli na nga sa akto! dinedeny pa! ano ba namang !@#$%^&*() ito oh! umamin ka na lang. wala ka nman ding ligtas eh. pinahihirapan mo lang kami at ang sarili mo!

hay. iilan lamang yan sa danger sign na makikita natin sa mga lalaki.PERO, HINDI KO NILALAHAT AT HINDI IBIG SABIHIN NOON NA, MALINIS KAMING MGA BABAE SA MGA BAHONG IYAN. Dahil may sarili ding version ang mga babae. Sa susunod, yun naman ang isusulat ko. But for now, savor these words boys and for girls, beware. HUWAG TAYONG MAGBULAG-BULAGAN DAHIL SA NARARAMDAMAN NATIN. UMAKSYON KA HABANG MAY PANAHON PA AT HINDI PA KAYO KASAL. dahil kapag kasal na kayo, there’s no turning back at trust me, nasa huli ang pagsisisi.

Feel free na magreply or ireblog nyo ang nararamdaman nyo. pero aminin na natin, karamihan sa inyo ganito. bibihira lamang ang hindi. KAYA SALUDO KAMI SA MGA LALAKING HINDI GANITO. 

peace out guys and dolls .

xoxo, L.

  • 24th September
    2010
  • 24
  • 25th July
    2010
  • 25
  • 17th July
    2010
  • 17
  • 15th July
    2010
  • 15
  • 11th July
    2010
  • 11